Naglabas na ng wage order ang mga regional wage boards ng Central Visayas at Calabarzon.

Sa Region 4-A (na pinaka-industriyalisado sa buong bansa at may pinakamalaking kontribusyon ng GDP), ang dagdag sa minimum wage ay nasa P21 hanggang P75 kada araw.


Sa Region 7 (kabilang ang Cebu City na pinakamalaking syudad sa Visayas) ay P33 hanggang P43 kada araw. Depende sa sektor at erya.


Barya lamang ang ibinigay. Ginawang pulubi ang mga manggagawa. Limos na nga, installment pa! Samantala, tuloy-tuloy ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin, pagkain, renta, LPG at gasolina, singil sa tubig at kuryente.


Panahon nang buwagin ang regional wage boards at provincial rates. Sobra na ang 35 years na pambubusabos ng Wage Rationalization Act (RA6727) sa masang manggagawa.


Hindi totoong mas mura ang bilihin sa mga probinsya at liblib na lugar, na dahilan ng mas mababang pasahod dito. Kasinungalingan din na ang mababang sahod ay mag-eengganyo ng pamumuhunan palabas sa mga eryang urban at sa malalaking lungsod.


Sinakal ng regulasyon ang kahilingan ng manggagawa para sa living wage, na matagal nang nakalagay sa Konstitusyon ngunit walang “enabling law”. Habang ang patakaran sa presyo ng lahat ng kalakal (liban sa lakas-paggawa) ay deregulasyon. Nagagawang itaas anumang oras at kung magkano ang gusto ng mga monopolyong may kontrol sa merkado.


No to provincial rate!

Abolish the regional wage boards!

Yes to national living wage and legislated wage increase!


KA LEODY DE GUZMAN

pangulo, Partido Lakas ng Masa

Setyembre 16, 2024


https://www.facebook.com/photo/?fbid=835907748713508&set=a.163224469315176