Noong Agosto 29, 2024, maligayang ipinagdiwang ng ikalawang batch ng mga katutubong kababaihang estudyante ng LILAK Indigenous Women Mentoring Program (IWoMen) ang kanilang pagtatapos. Ang IWoMen, isang feminist school para sa indigenous women, ay nagtapos sa ilalim ng temang "PEGULIYUG," isang salita mula sa wikang Subanen na nangangahulugang "paglalakbay."


Ang pagtatapos ay kumatawan sa kulminasyon ng kanilang masikhay na pag-aaral at pakikipaglakbay, pati na rin ang kanilang diskurso sa isa't isa at sa mga resource persons na nagbigay-gabay sa iba't ibang usaping may kinalaman sa kanilang pagkababae, pagkakatutubo, at pananaw sa peminismo.


Ang pagtatapos na ito ay hindi lamang pagdiriwang ng pagtatapos ng isang yugto, kundi patunay din ng kanilang masidhing dedikasyon sa pagpapalakas ng kanilang boses bilang mga katutubong kababaihan. Sa pagtatapos ng kanilang PEGULIYUG, patuloy silang umaasa na ang kanilang natutunan ay magiging inspirasyon sa mas marami pang kababaihan sa kanilang komunidad.

Mabuhay ang mga nagtapos ng IWoMen! Mabuhay ang kanilang peguliyug!


https://www.facebook.com/katutubonglilak/posts/pfbid0wjxJRUmHJNBAjx5iAUL1kbNk3dufgjjWHAjpob5ehBsdcPEN5CpMzYQhRXiRrtXMl