Ika-1 ng Setyembre 2024—Matagumpay na naisagawa ang #RidersBayanihan sa lungsod ng Valenzuela, kung saan namahagi ng 400 bote ng motor oil sa mga riders. Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Riders of Valenzuela (ROV), Sitio Kabatuhan Riders Club (SKRC), Knights of Columbus, RAM Valenzuela, at Catholic Charismatic Group. Halos 20 grupo ang lumahok at aktibong nakibahagi sa pagtitipon.


Ang motor oil na ipinamigay ay handog ng 1-Rider Party-List sa pamamagitan ng mga opisina ni Cong. Rodge Gutierrez at Cong. Bonifacio Bosita. Bagama’t hindi sila personal na nakadalo, nagpadala sila ng mga kinatawan upang sagutin ang mga katanungan ng mga riders ukol sa kanilang mga karapatan at kapakanan.


Nagpasalamat ang mga organisador sa Antonio M. Serapio Elementary School sa pagpapaunlak na gamitin ang covered court bilang venue, pati na rin sa lokal na pamahalaan ng Barangay Gen. T. De Leon, sa pamumuno ni Kapitan Bong Ferrer, para sa mga upuan at snacks na ibinigay.


Malaki rin ang pasasalamat sa RAM Valenzuela sa pagkakaloob ng lugaw at tubig, at kay Cong. Eric Martinez at sa kanyang asawa na si Doc. Katherine Martinez para sa kanilang suporta.

Pinangunahan ni Lorenzo Laure Jr., KAGULONG CAMANAVA coordinator at tagapangulo ng SKRC at ROV, ang aktibidad at kinilala ang kanyang kasipagan bilang punong abala ng proyekto.


Ang #RidersBayanihan ay simbolo ng patuloy na pagkakaisa ng mga riders sa pagtutulungan at pagkalinga sa isa’t isa. Sulong, mga #KAGULONG!