Online Kumustahan | Samahan ng Mamamayan Zone One Tondo Inc. - Sm Zoto Inc.
September 05, 2024
Author:

Ang "Online Kumustahan" ay isang buwanang inisyatiba na pinangungunahan ng mga kabataan at project staff ng Samahan ng Mamamayan-Zone One Tondo Inc. (SM-ZOTO), bilang bahagi ng proyektong “Social Media Human Rights for the Urban Poor Youth”.
Layunin nitong palakasin ang kamalayan at pagtatanggol sa karapatan ng maralitang tagalungsod sa pamamagitan ng makabuluhang talakayan at pagbabahagi ng karanasan sa online platform.
Sa kumustahang ito, tinalakay ng ating mga resource speakers ang kahulugan at kahalagahan ng Gender Equality, Disability, and Social Inclusion (GEDSI) at Karapatan sa Pagboto. Bilang kabataan, mahalagang malaman mo ang iyong mga karapatan, lalo na pagdating sa pagpili ng mga lider na magsisilbi sa iyong komunidad.
Kaya naman, Inaanyayahan namin kayong panoorin ang maikling bersyon ng kumustahan. Kung nais mong mas palalimin ang iyong kaalaman, maaari mong panoorin ang buong video sa pamamagitan ng pag-click sa link.
http://bit.ly/3MEQrUY
Para sa mga anunsyo at iskedyul ng mga susunod na kumustahan, na tatalakay sa iba’t ibang mahahalagang isyu para sa kabataan,
i-follow lamang ang aming Facebook page. https://www.facebook.com/SMZOTOINC
*Disclaimer: Music/Sound is not mine, credit to the rightful owner*
https://www.facebook.com/SMZOTOINC/videos/870627698361520/