Naging Makabuluhan ang BaliKyusi Program sa Quezon City
July 01, 2024
Author:

Naging makabuluhan ang BaliKyusi program na pinangunahan ng Quezon City Public Employment Service Office (QCPESO) nitong Hunyo 28, 2024, na ginanap sa Risen Garden, Quezon City Hall Compound. Layunin ng programa na matulungan ang mga displaced at distressed OFW na makabalik sa kanilang mga komunidad sa pamamagitan ng anim na reintegration pathways: lokal na trabaho, skills development, enterprise o investments, migrants social welfare, retirement, at re-migration.
Inimbitahan ang Center for Migrant Advocacy (CMA) upang magbigay ng mensahe ng suporta sa paglulunsad ng reintegration fair, at renewal ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng CMA at QC MSD-PESO para sa patuloy na pakikipagtulungan sa lokal na migration governance. Si Ms. Ellene Sana, ang Executive Director ng CMA, ay inimbitahan din bilang isa sa mga panel of judges para sa dance competition ng mga Overseas Filipino Workers.
Sa kanyang mensahe ng suporta, binanggit ni Ms. Sana na malaki pa ang posibilidad na magpapatuloy pa rin ang pag-abroad ng ating mga kababayan dahil, para sa walong magkakasunod na taon, kasama ang Pilipinas sa top 10 worst countries pagdating sa kilusang paggawa. Patuloy rin na malaki ang gender pay gap at iba pang inequities sa pagitan ng lalaki at babaeng manggagawa kahit pareho ang kanilang gawain. Sa kabila nito, sinabi niyang patuloy na yakapin natin ang mga hamong ito sa ating lungsod at ipakita nating iba tayo sa Kyusi!
Maraming salamat, BaliKyusi program! Patuloy nating bigyan ng pag-asa ang ating mga kababayang OFW kasabay ng pakikipaglaban sa kanilang mga karapatan!
#BaliKyusi #OFWReintegration #CMAPh