PADESPEDIDA NG MGA MANGGAGAWA SA INUTIL NA KONGRESO: KONGRESO NG MGA TRAPO AT DINASTIYA, WALANG PAKINABANG SA MANGGAGAWA!
December 18, 2024
Author:

Sa ika-18 ng Disyembre, kumilos ang BMP upang kondenahin ang kainutilan ng kongreso na tumugon sa pangangailangan ng masang Pilipino. Nilusanad itong pagkilos na ito habang nakapulong ang “Murang Pagkain” Supercomittee ng Mababang Kapulungan, na binubuo ng Committees on Ways and Means ,Trade and Industry, Agriculture and Food, at Social Services.
Nilantad ng mga manggagawa ang garapalang pagnanakaw at katiwalian ng mga nagpanukala at nag-apruba ng 2025 GAA. Magri-recess ang kongreso isang linggo bago mag-pasko at hindi pamasko sa manggagawa ang ibinigay kungdi regalo ng mga mambabatas sa kanilang sarili sa pagpasa ng 2025 national budget na tadtad ng pork barrel sa anyo ng AKKAP para ipambili ng boto sa midterm election sa Mayo.
Ang masaklap pa, ang pag-aalis ng subsidy para sa PhilHealth ay katumbas ng pag-abandona sa tungkulin ng gobyerno na pangalagaan ang kalusugan ng mga mahihirap na mamamayan.
Kasabay nito, patuloy pa rin ang kagutuman ng manggagawa at ang mga panukalang batas sa pagtataas ng sahod across-the-board nationwide mula nang maisampa sa committee on labor ay sisinghap-singhap na at ngayon ay dead-on- arrival (“DOA) na sa house.