Isulong Demokratiko, Maka-Kalikasan at Lipunang May Hustisya!
December 10, 2024
Author:

Kasabay sa talakayan ng adyenda ng Mamamayan sa konteksto ng BARMM Regional at 2025 National and Local Elections ay matagumpay na naidaos ng AMKP ang General Assembly nito sa panahon ng ika-76 taong Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao.
Tinalakay at inaprubahan ang mga isyong kinakaharap, mga tindig dito at ang mga kampanya; nabisita, naimungkahi ang mga pagbabago sa Saligang Batas ng Alyansa at inaproba; nailatag ang mga kagyat na gawain at pangkalahatang tunguhin; at naihalal ang bagong pamumuan.
Matingkad sa talakayan ay ang mga panawagan na Papanagutin ang lahat na ugnay sa anumang Kurapsyon at paglabag sa Karapatang Pantao sa alinmang sangay ng pamahalaan o non-state na mga entidad at huwag magpalinlang sa bangayan ng mga politiko; ang pagsusulong ng mga Demokratikong serbisyo at programa para tugunan ang pang-ekonomiyang krisis at pag-ibayuhin ang pagtataguyod sa mga alternatibong modelo upang labanan ang mapanira sa Kalikasan at pagkakaisa ng mga mamamayan na mga proyekto at programa; paunlarin pa ang kampanya sa Kalikasan, Lupaing Ninuno at mga Karapatan ng mga sektor at Mamamayan; palakasin ang mga Kakayahan para sa pagsusulong; at mga partikular pa na kampanya at mungkahi.
Maraming Salamat sa mga incumbent officers ng Alyansa (2021-2024), preparatory committee, mga kasaping organisasyon sa buhay na asembliya at sa mga walang kapagurang sumusuporta noon pa man sa Alyansa sa iba't-ibang paraan - PAHRA, IDEFEND, ALTAHR, TRIPOD, MTWRC, KAAGAPAY OFWRSC, mga IPS at sa marami pang iba upang matugunan ang mga pangangailangan sa ikakatagumpay ng asembliya..
Tama Po, Palakasin ang Alyansa!
Mabuhay!