Ngayong araw, sabay nating ginugunita ang Anniversary of the Anti-Torture Law at inilulunsad ang Global Index on Torture, na layong mas kilalanin ang mga biktima at palakasin ang panawagan para sa hustisya. Ito ay inorganisa ng OMCT, UATC, at TFDP. Sa kabila ng umiiral na batas laban sa tortyur, marami pa rin ang nakararanas ng pang-aabuso sa kamay ng estado at ibang institusyon.

Hindi natatapos sa pagkilala ang ating laban. Kailangang maipatupad nang maayos ang batas, mapanagot ang mga nagkasala, at mabigyan ng katarungan ang mga biktima. Sama-sama tayong naninindigan laban sa anumang anyo ng karahasan at abuso, at itinataguyod ang dignidad ng bawat tao.

Panahon na upang tuldukan ang tortyur. Katarungan para sa mga natortyur—hindi lamang para sa kanilang mga sugat, kundi para sa kanilang dignidad at karapatan!