Sa araw na ito, muling pinapatingkad ang panawagan para sa hustisya sa mga biktima ng enforced disappearances sa pamamagitan ng isang Round Table Discussion at kaugnay na Symbolic Action na inorganisa ng FIND, AFAD, at CAED. Buong puso ang pakikiisa at suporta ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) sa adhikaing ito.

Ang sapilitang pagkawala ay isang marahas na paglabag sa karapatang pantao na walang lugar sa isang makatarungan at makataong lipunan. Habang ating sinasalamin ang hirap at sakripisyo ng mga pamilyang naghahanap ng kasagutan at hustisya, patuloy tayong naninindigan laban sa anumang anyo ng sapilitang pagkawala.

Magsama-sama tayo sa pagkilos para itigil ang karahasan, kilalanin ang karapatan, at itaguyod ang dignidad ng bawat tao. Ang katarungan para sa mga winawala ay hindi lamang para sa kanila kundi para sa ating lahat.