KilosKa Nanguna sa Konsultasyon ukol sa Coconut Industry Development Act sa Lanao del Norte; AMKP Nagbahagi ng Mga Pananaw sa Kalagayang Elektoral at Pulitikal
October 24, 2024
Author:

Sa isang konsultasyon ng mga community organizations sa Lanao del Norte hinggil sa Coconut Industry Development Act, pinangunahan ng Kilusang Maralita sa Kanayunan (KilosKa) ang talakayan na dinaluhan ng AMKP. Inanyayahan ang AMKP upang magbahagi ng mga pananaw sa kasalukuyang kalagayang elektoral at pulitikal ng bansa, na makatutulong sa pagsusulong ng karapatan ng mga magniniyog sa harap ng mga hamon sa burukrasya at iba’t ibang sektor.
Matapos ang diskusyon, iminungkahi ng mga kalahok ang paglalagay ng lokal na konteksto sa mga talakayan sa susunod na pagtitipon, kasama ang pagtukoy ng mga konkretong aksyon batay sa mga panawagan ng kampanya.
Sa hapon, binuo ng mga lider-organisasyon ang mga hakbang para sa mas epektibong pag-access ng mga magniniyog sa serbisyo at programa ng CIDA/CIDF, na mahalaga para sa kanilang pagsulong sa industriya ng niyog.