Mas Matindi Pa sa Bagyo: Bagong LTO Order sa Transfer of Ownership ng 2nd Hand Vehicles | KAGULONG
October 23, 2024
Author:

Ayon sa nasabing order, kailangan i-report ng seller at ideklara nito na naibenta na ang kanyang sasakyan sa loob lamang ng limang araw, kalakip ang pagpapakita at pagsusumite ng ilang papeles tulad ng kopya ng Certificate of Registration, Notarized Deed of Sale at 2 valid IDs ng buyer at seller na may kalakip na pirma. Ito ay isasagawa online ni seller at kapag hindi ito nagawa sa loob ng limang araw ay magmumulta si seller ng halagang 20,000 piso!
Ang buyer naman ay obligadong isagawa ang transfer of ownership within 20 working days, kundi ay magmumulta rin ito ng halagang 20,000 piso bilang penalty.
Ayon kay LTO Executive Director Greg Guillermo Pua, Jr. sa kanyang panayam kay Ted Failon, ang naturang polisiya ay "RETROACTIVE"! Ibig sabihin, kahit mahigit 10 taon mo na naibenta ang iyong sasakyan ay obligado ka pa din mag comply sa bagong guidelines na ito.
ANG ATING TINDIG NA MGA KAGULONG SA POLISIYANG ITO:
1. HINDI NA DAPAT OBLIGASYON NG SELLER ANG PAGREREPORT SA KANYANG NAIBENTANG SASAKYAN SAPAGKAT SAPAT NA ANG DEED OF SALE BILANG PATUNAY (AT LEGALLY BINDING) NA ITO AY KANYANG NAIBENTA. DAGDAG PAHIRAP ITO AT ABALA SAPAGKAT MADALI NAMANG MALALAMAN KUNG ANG SASAKYAN AY NAKAW AT MAY ALARMA SA LTO.
2. ISA SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT PINAPA-AMYENDAHAN NATIN ANG MOTORCYCLE CRIME PREVENTION ACT (DOBLE PLAKA LAW) AY ANG MALIIT NA GRACE PERIOD HINGGIL SA TRANSFER OF OWNERSHIP. NAIS NATING PAAMYENDAHAN ITO AT GAWING 90 DAYS ANG GRACE PERIOD UPANG MAGKAROON NG SAPAT NA PANAHON ANG MGA BUYERS O MOTORISTA NA MAKA COMPLY SA DAMI NG REKISITOS HINGGIL SA TRANSFER OF OWNERSHIP.
3. EXCESSIVE FINES SHALL NOT BE IMPOSED, AYON ITO SA ATING SALIGANG BATAS. MASYADONG MALAKI ANG MULTANG 2OK SA SELLER AT 20K SA BUYER NA SIMPLENG HINDI NAKACOMPLY ON TIME SA POLISIYANG ITO. MALUPIT AT MAPANG ABUSO ITO.
4. "No ex post facto law or bill of attainder shall be enacted." Ayon DIN ITO SA ATING SALIGANG BATAS.KAYA ANG PAGIGING RETROACTIVE NG POLISIYANG ITO AY LABAG SA ATING KARAPATAN. HINDI KA DAPAT SAKLAW NG ISANG BATAS KUNG NAGAWA MO ANG PAGLABAG SA PANAHON NA HINDI PA ITO NABABALANGKAS AT NAPAGTITIBAY.
Kaya mga #KAGULONG, maliwanag na malupit at labag sa ating Karapatan ang polisiyang ito at nararapat lamang na ibasura at ipawalang bisa! MAKIPAGKAISA TAYO SA ATING MGA KAPATID NA MOTORISTA SA PAGTUTOL SA POLISIYANG ITO!
IKA-23 ng Oktubre 2024
Kapatiran sa Dalawang Gulong - Kagulong